Ngayong araw, ika-10 ng Setyembre 2018, ay ang Araw ng mga Guro ng Tsina. Nang araw ring iyon, idinaos sa Beijing ang Pambansang Pulong sa Edukasyon. Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinahayag ni Xi ang pagbati at pangungumusta sa mga guro at tauhang kalahok sa usapin ng edukasyon sa buong bansa. Binigyang-diin niyang, dapat pasulungin ang kaugalian sa buong lipunan ng paggalang sa mga guro at pagpapahalaga sa edukasyon. Sinabi rin niyang, dapat ibayo pang pataasin ang katayuan ng mga guro sa lipunan, para magbigay sila ng mas malaking ambag sa usapin ng edukasyon.
Salin: Liu Kai