Tianjin, Tsina-Kinatagpo Setyembre 19, 2018 sa ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina si Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF).
Ipinahayag ni Li na ang kooperasyon ng Tsina at WEF ay hindi lamang nagpapakita ng plataporma ng pagpapalitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at iba pang bansa, kundi nagbubukas din ng bintana upang ipakita sa daigdig ang Tsina. Aniya, 11 beses nang matagumpay na naidaos ang Annual Meeting of the New Champions ng WEF (Summer Davos) at nakahanda ang Tsina na talakayin, kasama ng WEF, ang mga isyung pangkabuhayan ng daigdig para mapabuti ang sistema ng pamamahala ng daigdig at mapasulong ang komong kaunlaran at kasaganaan.
Ipinahayag ni Schwab na ang Summer Davos sa taong ito ay may pinakamalaking saklaw sa kasaysayan, at ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng iba't ibang panig. Aniya, nakahanda ang WEF na ibayo pang palalimin ang kooperasyon nito sa Tsina, katigan ang globalisasyon at mutilateralismo, at pasulungin ang framework ng pamamahalang pandaigdig batay sa mga tuntunin.
salin:Lele