|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, sinabi ni Carrie Lam , Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ang nasabing high speed rail ay magpapasulong ng pag-uugnayan ng HK at Chinese mainland.
Si Carrie Lam Cheng Yuet-ngor
Ipinagdiinan ni Lam na ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng reporma at pagbubukas sa labas. Aniya, nag-aambag ang HK sa reporma at pagbubukas ng inang-bayan at nakikinabang din ito rito. Upang ibayo pang pasulungin ang pag-unlad ng HK, pinapasulong din ng pamahalaang Tsino ang pagtatatag ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, aniya pa. Idinagdag pa niyang, ang isasaoperasyong high speed rail ay magpapasulong ng konektibidad ng mga tao, lohistika, pondo at impormasyon sa nasabing Greater Bay Area.
Ang nasabing high speed rail na may habang 142 kilometro ay nag-uugnay sa Hong Kong at 44 na lunsod ng Mainland. Labing-apat (14) na minuto lang ang paglalakbay mula Hong Kong hanggang Shenzhen, sakay ang bullet train. Samantala, 47 minuto lamang ang kailangan mula Hong Kong papuntang Guangzhou. Maaaring mabili sa platapormang online ang tiket ng tren.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |