Ipininid kamakailan sa Tianjin, Tsina ang Ika-12 World Economic Forum (WEF) Summer Davos 2018. Kaugnay nito, sinabi ni Geng Shuang,Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kanyang talumpati sa nasabing porum, inulit ni Premyer Li Keqiang ang mga paninindigan at kapasiyahan ng pamahalaang Tsino na inilahad ni Pangulong Xi Jinping sa taunang pulong ng WEF noong 2017.
Sinabi ni Geng na sa kanyang talumpati, muling ipinahayag ni Premyer Li ang buong tatag na pangangalaga ng Tsina sa globalisasyong pangkabuhayan. Inilahad din ni Li ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina. Ipinangako rin ng Premyer Tsino ang pagpapatuloy ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas. Ipinahayag din ni Li ang kahandaan ng Tsina na ibayo pang magpaginhawa sa mga bahay-kalakal na dayuhan sa pagpasok ng pamilihang Tsino.
Ipinahayag naman ng mga kalahok ang suporta sa malayang kalakalan. Ipinalalagay nilang ang talumpati ni Premyer Li ay nakakatulong sa pagkakaunawa sa kaunlaran, reporma at inobasyon ng Tsina. Nakahanda rin anila silang makilahok sa pagbubukas sa labas ng Tsina para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Ang katatapos na WEF Summer Davos na may pinakamalaking saklaw sa kasaysayan ay nilakuhan ng mahigit 2,500 kinatawan mula sa mahigit 100 bansa't rehiyon.
Salin: Jade