|
||||||||
|
||
Davos — Ipininid nitong Biyernes, Enero 26, 2018, ang Ika-48 Taunang Pulong ng World Economic Forum (WEF).
Mahigit 400 talakayan sa iba't-ibang paksa ang ginanap sa panahon ng nasabing pagtitipon. Sa isang talakayang idinaos Enero 26 (local time) na may temang "Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig sa 2018," nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa mga aspektong gaya ng prospek ng kabuhayang pandaigdig sa maikling panahon, pagkakataon, at epekto sa pamumuhunan na dulot ng pagbabago ng klima. Ipinahayag ng mga kalahok na optimistiko sila sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Positibong pagtasa naman ang ibinigay ni Martin Wolf, Punong Ekonomikong Komentarista sa kalagayan ng kabuhayang pandaigdig sa maikling panahon. Tinukoy niya na mula taong 2018 hanggang 2019, magiging 3.9% ang average rate ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Ito aniya ay isang magandang growth rate.
Ipinahayag naman ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na bilang mahalagang bahagi ng kabuhayang Asyano, ang pagkakataon ng pag-unlad ay nagmumula, pangunahin na, sa patakarang pangkabuhayan ng Tsina at pag-unlad ng buong Asya. Dahil ang paglaki ng Asya ay katumbas ng 60% ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng iba't-ibang bansa sa daigdig, kabilang dito, 30% ay mula sa Tsina, dagdag pa niya.
Bukod dito, tungkol sa isyu ng pagbabago ng klima, ipinahayag ni Mark Carney, Puno ng Bank of England, na sinimulan na ng walong pinakamalaking departamentong tagapamahala sa ari-arian sa buong daigdig, ang kanilang pamumuhunan sa aspektong ito. Aniya, umabot sa 80 trilyong dolyares ang kabuuang laang-gugulin.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |