|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Pangulong Edgar Lungu ng Zambia na ang Tsina ay komprehensibong katuwang sa pag-unlad ng Zambia. Aniya, ang Kafulafuta Water Supply System Project na pinopondohan at sinusuportahan ng panig Tsino ay makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng Zambia.
Sa kanyang pagdalo sa seremonya ng pagsisimula ng nasabing proyekto, sa probinsyang Copperbelt, ipinahayag ni Lungu na bunga ng proyektong ito, magkakaroon ang mga residenteng nakapaligid dito ng malinis at maginhawang tubig-maiinom, at magkakaloob din ito ng maraming pagkakataon ng hanap-buhay at komersyo. Ang pagsasagawa ng nasabing proyekto ay hindi nai-hihiwalay sa pagkatig mula sa pamahalaan at mga bahay-kalakal ng Tsina, at taos-pusong nagpapasalamat ang Zambia, aniya pa.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Li Jie, Embahador ng Tsina sa Zambia, na ang Kafulafuta Water Supply System Project ay makakapagpataas sa lebel ng pampublikong kalusugan ng Zambia, at makakapagbigay ng malakas na garantiya sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng bansang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |