Ayon sa white paper ng "Katotohanan at Posisyon ng Panig Tsino Tungkol sa Alitang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na ipinalabas Lunes, Setyembre 24, 2018, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, tinukoy nitong ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay may kaugnayan hindi lamang sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi maging sa kapayapaan, kasaganaan, at katatagan ng buong daigdig. Para sa dalawang bansa, ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili para malutas ang isyung ito.
Sa nasabing white paper, inilahad nito ang walong paninindigan ng Tsina tungkol sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika na kinabibilangan ng buong tatag na pangangalaga ng Tsina sa dignidad at nukleong kapakanan ng bansa, buong tatag na pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng Tsina at Amerika, buong tatag na pagpapasulong ng reporma upang mapabuti ang multilateral na sistemang pangkalakalan, buong tatag na pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), buong tatag na pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga dayuhang mangangalakal sa Tsina, buong tatag na pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, buong tatag na pagpapasulong ng pakikipagkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga maunlad at umuunlad na bansa, at buong tatag na pagpapasulong ng pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Sangkatauhan.
Salin: Li Feng