Sa sidelines ng Pangkalahatang Asemblea ng UN na idinaraos sa New York, Punong Himpilan ng UN, nakipag-usap Setyembre 24, 2018 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Ministrong Panlabas Jeremy Hunt ng Britanya.
Ipinahayag ni Wang na kapuwa bilang Pirmihang Kagawad ng UN Security Council, inaasahang gaganap ang Tsina at Britanya ng konstruktibong papel sa pangangalaga sa katatagan ng kalagayang pandaigdig. Ipinahayag naman ni Hunt na nananatiling mabilis ang pag-unlad ng Tsina, at suportado ng Britanya ang pag-unlad ng Tsina. Ito aniya'y makakatulong sa pag-unlad ng daigdig, sa halip ng banta ng daigdig. Aniya, positibo ang Britanya sa win-win cooperation na itinataguyod ng Tsina. Nakahanda aniya ang Britanya na pahigpitin ang estratehikong pakikipagdiyalogo sa Tsina, at palalimin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan para magkasamang pangalagaan ang kaayusang pandaigdig na naitatag batay sa regulasyong pandaigdig.
Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea (SCS), muling ipinahayag ni Wang ang pag-asang patuloy na walang papanigan ang Britanya sa isyu ng SCS, at totohanang igagalang ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng Tsina. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa matatag at malusog na pag-unlad ng pagtutulungan ng Tsina at Britanya.
Muling ipinahayag naman ni Hunt na walang papanigan ang Britanya sa isyu ng SCS. Aniya, nakahanda itong magsikap, kasama ng Tsina para maayos na lutasin ang mga alitan sa nasabing isyu, sa pamamagitan ng diyalogo.