|
||||||||
|
||
Sinimulan kahapon, Martes, ika-25 ng Setyembre 2018, sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang pangkalahatang debatehan ng Ika-73 UN General Assembly.
Sa kanyang pambungad na talumpati, nanawagan si Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, para igiit ang multilateralismo.
Sinabi ni Guterres, na sa kasalukuyang daigdig, nawawala ang pagtitiwala. Kinakaharap aniya ng multilateralismo ang pagduda, at mahina ang pagtitiwala sa mga pambansang institusyon, pagtitiwalaan sa pagitan ng mga bansa, at pagtitiwala sa pandaigdig na kaayusang batay sa mga tuntunin.
Nanawagan si Guterres sa mga lider ng iba't ibang bansa, na pasulungin at katigan ang multilateralismo. Dagdag niya, dapat buuin ang pandaigdig na kaayusan, na ang nukleo ay UN at ang batayan ay mga tuntunin.
Binanggit din ni Guterres ang ibang mga paksa, na gaya ng pagpigil sa pagbabago ng klima, pag-iwas sa pang-aabuso at pagsasandata ng mga bagong teknolohiya, pagpapalakas ng cyber security, at iba pa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |