Idinaos Setyembre 24, 2018 ang mataas na pulong ng UN bilang tugon sa isyu ng droga sa daigdig.
Ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN na nananatiling malala ang suliranin ng droga sa buong mundo. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, 31 milyong katao ang tumanggap ng medical treatment dahil sa paggamit ng droga, at 450 libong adik naman ang namatay dahil dito.
Umaasa aniya siyang isasagawa ng komunidad ng daigdig ang mabibisang hakbang sa pagtugon sa problema ng pagpupuslit ng droga at pagpapahigpit ng rehabilitasyon ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na droga.