Nakipag-usap Setyembre 24, 2018 sa New York si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa mga namamahalang tauhan ng National Committee on United States-China Relations (NCUSCR) at US-China Business Council (USCBC).
Ipinahayag ni Wang na ang mainam na pagtutulungang pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay angkop sa komong interes ng dalawang panig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika para lutasin ang mga isyung may kinalaman sa di-pagkakabalanse ng kalakalan, sa pamamagitan ng diyalogo. Dagdag ni Wang, ang diyalogong ito ay dapat isagawa batay sa pagkakapantay-pantay at katapatan, sa halip na banta at presyur.
Ipinahayag din ni Wang ang pasasalamat sa pagsisikap ng NCUSCR at USCBC para pasulungin ang pagtutulungang Sino-Amerikano. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Amerika para pasulungin ang malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon at win-win cooperation ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ng mga namamahalang tauhan ng panig Amerikano ang pag-asang pahihigpitin ang pragmatikong pakikipagdiyalogo sa Tsina para lutasin ang isyu ng estruktura sa pagtutulungang pangkalakalan ng dalawang panig.