Ipinahayag ng panig Tsino ang matinding pagtutol at solemnang representasyon sa binabalak na pagbebenta ng pamahalaang Amerika ng mga sandata sa Taiwan.
Ito ang ipinahayag nitong Martes, Setyembre 25, ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina bilang tugon sa kapasiyahan ng pamahalaang Amerikano na magbenta sa Taiwan ng mga sandata na nagkakahalaga ng 330 milyong dolyares. Ipinaalam nang araw ring iyon ng pamahalaang Amerikano ang nasabing desisyon sa kongreso ng bansa.
Ipinagdiinan ni Ren na di maihihiwalay na bahagi ng Tsina ang Taiwan at ang prinsipyong isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano. Hinimok niya ang pamahalaang Amerikano na bawiin ang nasabing kapasiyahan at itigil ang anumang ugnayang militar nito sa Taiwan.
Salin: Jade
Pulido: Mac