Sa kanyang talumpati kahapon, Martes, ika-25 ng Setyembre 2018, sa pangkalahatang debatehan ng Ika-73 United Nations General Assembly, ipinagtanggol ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang kanyang patakarang America First, at ipinahayag ang pagtutol sa globalismo.
Binigyang-halaga ni Trump ang mga desisyon at hakbangin ng kanyang administrasyon, para tupdin ang ideyang ilagay ang soberanya sa ibabaw ng global governance.
Pinuna niya ang ilang pandaigdig na organisasyon at kasunduan, na gaya ng UN Human Rights Council, International Criminal Court, at kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Tumiwalag na sa mga ito ang Amerika.
Sinabi rin ni Trump, na isinasagawa ng Amerika ang mahigpit na pagsusuri sa mga tulong na panlabas, at sa hinaharap, magkakaloob ito ng tulong sa mga kaibigan lamang.
Salin: Liu Kai