|
||||||||
|
||
Ipinalabas Lunes, Setyembre 24, 2018, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper ng "Katotohanan at Posisyon ng Panig Tsino Tungkol sa Alitang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika." Dito, inilahad ang substansya ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Amerika, ipinaliwanag ang di-totoong batikos ng "Section 301 Investigation" ng Amerika laban sa Tsina, at inihalad ang patakaran at posisyon ng Tsina sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sa kabila ng maraming pagtutol, lalong pinaigting ng pamahalaang Amerikano ang digmaang pangkalakalan, bagay na nagdudulot ng mas malaking di-paborableng epekto sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig. Sa kalagayang ito, ang nasabing white paper ay nakakatulong sa obdiyektibo at malinaw na pagkaalam ng komunidad ng daigdig sa katotohanan ng alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at sa mungkahi at paninindigan ng panig Tsino para sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan, pagpapasulong ng kooperasyon, at pagkontrol sa alitan ng dalawang bansa. Ito'y napapanahon at kinakailangan.
Sa naturang white paper, inilabas ang mga impormasyon sa tatlong aspekto.
Una, ipinaliwanag nito ang katotohanan ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Inaanalisa rin nito ang proteksyonismong pangkalakalan at economic hegemonism ng Amerika at mga idinudulot na negatibong epekto ng mga ito.
Ikalawa, ipinaliwanag ng white paper ang posisyon ng Tsina sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at ang paninindigan ng Tsina sa relasyong pandaigdig. Nitong kalahating taong nakalipas sapul nang ilunsad ng Amerika ang alitang pangkalakalan sa Tsina, malinaw, palagian, at matatag ang posisyon ng Tsina. Sa white paper, inilahad nito ang walong paninindigan ng Tsina tungkol sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig na kinabibilangan ng buong tatag na pangangalaga ng Tsina sa dignidad at nukleong kapakanan ng bansa, buong tatag na pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng Tsina at Amerika, buong tatag na pagpapasulong ng reporma upang mapabuti ang multilateral na sistemang pangkalakalan, buong tatag na pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), buong tatag na pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga dayuhang mangangalakal sa Tsina, buong tatag na pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, buong tatag na pagpapasulong ng pakikipagkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga maunlad at umuunlad na bansa, at buong tatag na pagpapasulong ng pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Sangkatauhan. Nakikita rito na ang naturang walong patakaran at posisyon ng panig Tsino ay hindi lamang batay sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, kundi isinasa-alang-alang din dito ang malusog na pag-unlad ng relasyong pandaigdig. Ipinakikita rito ang responsibilidad ng Tsina bilang isang malaking bansa.
Ikatlo, iniharap sa white paper ang kalutasan sa nasabing alitang pangkabuhayan at pangkalakalan. Tinukoy nito na ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay may kaugnayan hindi lamang sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi maging sa kapayapaan, kasaganaan, at katatagan ng buong daigdig. Para sa dalawang bansa, ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili para malutas ang isyung ito.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |