Magkakasamang humarap Martes, Setyembre 25, 2018, sa Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang mga namamahalang tauhan ng mga departamento ng bansa na gaya ng Ministri ng Komersyo, Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma, Ministri ng Industriya at Impormasyon, Ministri ng Pinansya, at Pambansang Kawanihan ng Karapatan ng Likhang-isip, upang tugunan ang mga maiinit na isyu ng alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Ipinahayag ng mga opisyal na ang trade conflict na unilateral na inilunsad ng Amerika ay posibleng makakapagbigay ng malaking impact at negatibong epekto sa global industrial chain. Anila, may kakayahan ang kabuhayang Tsino sa pagharap ng epektong ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob. Kung kailan panunumbalikin ang pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan sa mataas na antas ng Tsina at Amerika ay ganap na depende sa kagustuhan ng panig Amerikano, anila pa.
Sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, ang nasabing alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay nakakatawag ng pansin ng buong daigdig, Nitong Lunes, Setyembre 24, 2018, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper ng "Katotohanan at Posisyon ng Panig Tsino Tungkol sa Alitang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na naglalayong bigyang liwanag ang katotohanan ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ilahad ang patakaran at posisyon ng Tsina sa alitang ito, at pasulungin ang makatuwirang paglutas sa isyung ito.
Salin: Li Feng