Bilang tugon sa sadyang pagpasok ng mga warship na Amerikano sa South China Sea (SCS), ipinahayag Oktubre 2, 2018 ni Hua Cunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang probokasyon ng Amerika ay nagsasapanganib sa seguridad ng soberanya ng bansa, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Lubos na ikinalulungkot at matatag na tinututulan aniya ng Tsina hinggil dito.
Sinabi niya na mayroong di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa South China Sea at mga pulo sa paligid nito. Aniya, sa kasalukuyan, nagiging matatag at mabuti ang kalagayan ng SCS sa ilalim ng pagsisikap ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Hinimok niya ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian, at itigil ang probokasyon. Aniya pa, isasagawa ng Tsina ang anumang hakbangin para pangalagaan ang soberanya at seguridad ng bansa.
Salin:Lele