Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI komentaryo: Tsina sa pandaigdig na pananaw

(GMT+08:00) 2018-09-17 19:10:16       CRI
Binuksan kahapon, Linggo, ika-16 ng Setyembre 2018, sa Beijing, ang Espesyal na Simposyum ng Mataas na Porum hinggil sa Pag-unlad ng Tsina sa 2018. Lumahok sa dalawang-araw na simposyum ang halos 800 personahe mula sa mga sirkulo ng bahay-kalakal, akademiya, at ahensiyang pampamahalaan, para magharap ng mga mungkahi hinggil sa reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina sa bagong panahon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pieter Bottlier, Propesor ng Johns Hopkins University ng Amerika at dating Punong Kinatawan ng World Bank sa Tsina, na sa kasalukuyan, para mas malalim na maunawaan ang Tsina, dapat tingnan ang bansa mula sa pandaigdig na pananaw.

Pero, anong mayroon sa Tsina mula sa pandaigdig na pananaw?

Una ay mga bunga sa sariling pagpapaunlad ng bansa. Nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, sumusulong ang iba't-ibang usapin ng pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina, na gaya ng pagbabawas ng karalitaan, pagpapataas ng average life expectancy ng mga mamamayan, pagpapalaki ng GDP, pag-abot sa pamantayang itinakda ng World Bank bilang upper middle-income country, at iba pa. Kahit ikukumpara sa ibang bansa sa buong mundo, malaki pa rin ang mga bungang natamo ng Tsina.

Ikalawa ay agwat sa mga maunlad na bansa. Dahil di-balanse ang pag-unlad sa iba't ibang lugar ng bansa, hindi pa mataas ang pangkalahatang lebel ng pag-unlad ng Tsina. Halimbawa, sa mahigit 190 bansa at rehiyon ng daigdig, nasa mga ika-70 puwesto lamang ang karaniwang GDP ng Tsina. Ang kalagayang ito ay naging hamon sa pag-unlad ng bansa, at ito rin ang dahilan kung bakit gusto ng Tsina na pasulungin pa ang reporma at palawakin pa ang pagbubukas sa labas.

At ikatlo ay posibilidad sa win-win situation ng Tsina at daigdig. Noong 40 taon ang nakaraan, 1.8% lamang ang proporsiyon ng kabuhayang Tsino sa kabuuang bolyum ng kabuhayan ng daigdig. Noong isang taon, umabot na sa 15% ang proporsiyong ito, at ang contribution rate naman ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig ay lumampas sa 30%. Samantala, ang Tsina ay pinakamalaking bansa ng pag-aangkat, at ikalawang pinakamalaking bansa ng pagluluwas sa daigdig. Dahil sa mga ito, natatamasa ng ibang bansa ang bunga at pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina.

Ipinalalagay ni Lin Yifu, Dating Punong Ekonomista ng World Bank, na kailangang isabalikat ng Tsina ang mas malaking responsiblidad sa pandaigdig na sistemang pangkaunlaran, at tulungan ang ibang mga umuunlad na bansa para sa pagpapalaki ng kabuhayan, pagbabawas ng karalitaan, at pagsasakatuparan ng win-win result. Sa katotohanan, ito ay itinuturing ng Tsina bilang tungkulin sa pandaigdig na pananaw.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>