Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-8 ng Oktubre 2018, sa Beijing, si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Ipinahayag ni Yang, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong Sino-Amerikano ang maraming hamon. Nagharap na aniya ang panig Tsino ng representasyon sa panig Amerikano, kaugnay ng mga negatibong pananalita at aksyon nitong may kinalaman sa Tsina, at hinihimok ang panig Amerikano na iwasto ang mga kamalian.
Tinukoy din ni Yang, na kung magtutulungan ang Tsina at Amerika, saka lamang maisasakatuparan ang win-win result. Umaasa aniya siyang, magsisikap ang Amerika, kasama ng Tsina, para igarantiya ang pagtahak ng relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas.
Ipinahayag naman ni Pompeo ang kahandaan ng Amerika, na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina, para hanapin ang konstrukstibong solusyon sa kasalukuyang mga hamon sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa rin aniya siyang pananatilihin ng Amerika at Tsina ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Liu Kai