Bubuksan sa ika-5 ng Nobyembre, 2018, ang unang China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai. Ipagkakaloob nito ang 45 linyang may katangian ng paglalakbay at 30 aktibidad ng pagpapasulong ng pamumuhunan. Layon nitong ibayo pang i-promote ang kapaligiran ng negosyo ng Shanghai, at mapahigpit ang pagpapalitan at pag-uugnay ng Shanghai at mga grupong kalahok sa CIIE.
Sinabi ni Sun Xinhua, Direktor ng Shanghai Foreign Investment Promotion Center na ang nasabing mga serbisyo at aktibidad ay nakatakdang makatugon sa pangangailangan ng mga mamumuhunan sa iba't ibang sektor, at patingkarin ang mga espesyal na bentahe ng Shanghai.
salin:Lele