Ayon sa isang news briefing, mahigit 2,800 bahay-kalakal mula sa mahigit 130 bansa't rehiyon ang kumpirmadong lalahok sa unang gaganaping China International Import Expo (CIIE). Bukod dito, 80 iba pang bansa't 3 organisasyong pandaigdig ang sasali sa eksbisyong pambansa.
Ayon kay Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, may dalawang exhibition zone ang CIIE na kinabibilangan ng eksbisyong komersyal ng mga bahay-kalakal at eksbisyon ng kalakalan at pamumuhunang pambansa.
Ayon sa inisyal na estadistika, mahigit 100 bagong produkto at teknolohiya ang ipapadala ng mga kalahok na bahay-kalakal. Ipapakita ng mga ito ang pinaka-moderno at pinakamaunlad na tunguhin ng produkto at serbisyo sa buong daigdig.
Gaganapin ang CIIE mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2018, sa Shanghai, Tsina.
Salin: Li Feng