Ipinahayag Oktubre 10, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pambansang kaunlaran ng Tsina ay hindi batay sa tulong at abuloy ng ibang bansa, at walang anumang bansa sa daigdig na may sapat na lakas para bigyan ang Tsina ng umano'y rekonstruksyon.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa paulit-ulit na pahayag kamakailan ng lider Amerikano na nitong 20 taong nakalipas, binibigyan ng Amerika ang Tsina ng malaking kayamanan dahil sa trade deficit, at ito ay katumbas ng pagbibigay-tulong ng Amerika sa muling pagtatatag ng Tsina.
Sinabi ni Lu na tulad ng lahat ng mga bansa sa daigdig, ang pag-unlad at tagumpay na natamo ng Tsina ay batay sa tumpak na pamumuno ng CPC at pagtahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, paggiit sa reporma at pagbubukas sa labas, at pagsisikap at katalinuan ng mga mamamayang Tsino.