Idinaos Oktubre 9, 2108 sa Moscow ang pag-uusap ng Tsina, Rusya at Hilagang Korea. Dumalo sa pagtitipon sina Pangalawang Ministrong Panlabas Kong Xuanyou ng Tsina, Pangalawang Ministrong Panlabas Igor Morgulov ng Rusya, at Pangalawang Ministrong Panlabas Choe Son Hui ng Hilagang Korea.
Hinggil dito, ipinahayag kahapon, Oktubre 10, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinalakay, pangunahin na ng mga kalahok ang hinggil sa paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea sa pamamagitan ng mapayapang paraang pulitikal at diplomatiko.
Ani Lu, positibo ang tatlong panig sa kasalukuyang progresong natamo sa kalagayan ng Peninsula ng Korea. Umaasa aniya silang isasagawa ang mabibisang hakbang para maayos at matatag na mapasulong ang proseso ng denuklearisasyon at mekanismong pangkapayapaan sa peninsula.