Ipinahayag Oktubre 14, 2018 ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na nakatakdang idaos ng Tsina, Malaysia at Thailand ang magkasanib na ensayong militar. Ang ensayong ito ay may code name na "Peace and Friendship 2018" at idaraos sa Malaysia, mula ika-20 hanggang ika-29 ng buwang ito.
Ang naturang ensayo ay para ipakita ang mithiin ng tatlong bansa sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, ibayong pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan, at palakasin ang kakayahan sa harap ng ibat-ibang pangyayaring panseguridad. Ang ensayong ito ay hindi nakatuon sa ikatlong panig.