Inilabas ngayong araw, Martes, ika-14 ng Agosto 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistka ng Tsina, ang mga economic data noong Hulyo sa mga sektor ng industriya, serbisyo, konsumo, unemployment rate, pamumuhunan sa fixed asset, at iba pa.
Ipinahayag ni Liu Aihua, tagapagsalita ng naturang kawanihan, na ipinakikita ng mga economic data na, ang takbo ng kabuhayang Tsino ay nasa angkop na bahagdan na inaasahan ng panig opisyal, at nananatili ang matatag at mainam na tunguhin. Dagdag niya, sa kasalukuyan, patuloy na bumubuti ang estrukturang pangkabuhayan ng Tsina, at matatag na tumataas ang kalidad at episiyensiya ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai