Ayon sa impormasyon kamakailan ng Ministri ng Hotel at Turismo ng Myanmar, noong panahon ng 7-araw na bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina, mabilis na lumaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa Myanmar, at ang pangunahing dahilan dito ay pagsasagawa ng Myanmar ng visa-on-arrival sa mga turistang Tsino simula noong unang araw ng buwang ito.
Nauna rito, ipinahayag minsan ni Ohn Maung, Ministro ng Hotel at Turismo ng Myanmar ang pag-asang, sa pamamagitan ng visa-on-arrival, aabot sa 1 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa kanyang bansa, sa kasalukuyang tourism peak season, mula Oktubre ng taong ito hanggang sa Marso ng taong 2019.
Salin: Liu Kai