Kinatagpo Hulyo 4, 2018 sa Beijing ni Guo Shengkun, Kalihim ng Political and Legislative Affairs Committee ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) si Kyaw Swe, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Myanmar. Bumiyahe sa Beijing si Ministro Kyaw Swe ay para sa Ika-6 na Ministerial Meeting hinggil sa Kooperasyon ng Pagpapatupad ng Batas at Seguridad ng Tsina at Myanmar.
Ipinahayag ni Guo na bilang mapagkaibigang magkatuwang, nakahandang tupdin ng Tsina, kasama ng Myanmar ang pagkakasundong narating ng mga liderato ng dalawang panig, para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong pagtutulungan, lalo na sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen, pagpapahigpit ng seguridad sa mga proyekto ng "Belt and Road Initiative," pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas at katiwasayan sa Mekong River, at iba pa. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Kyaw Swe, na nakahanda ang Myanmar na pahigpitin ang pakikipagkoordina sa Tsina, para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.