Nakipag-usap Hunyo 28, 2018 sa Beijing si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Kyaw Tint Swe, Union Minister for Office of the State Counsellor of Myanmar.
Ipinahayag ni Wang na nakahandang pahigpitin ng Tsina ang mataas na pakikipag-ugnayan sa Myanmar, para palalimin ang bilateral na pagtutulungan at pasulungin ang konstruksyon ng economic corridor ng dalawang panig.
Ani Wang, kinakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan ng Myanmar sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan ng bansa. Nakahanda aniyang ipagpatuloy ng Tsina ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan ng Myanmar.
Ipinahayag naman ni Kyaw Tint Swe na nakahanda ang Myanmar na pahigpitin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa Tsina para pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang panig.