Ipinahayag Oktubre 15, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang utang na nakuha sa proseso ng konstruksyon ng China Pakistan Economic Corridor (CPEC) ay hindi dahilan ng kasalukuyang kahirapan ng pananalapi ng Pakistan.
Ipinahayag kamakailan ng Pakistan ang pag-asang bibigyan ng IMF ang bansa ng tulong para mapahupa ang kasalukuyang kahirapang pangkabuhayan. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga mediyang dayuhan na ito ay may-kinalaman sa nasabing utang.
Ipinahayag ni Lu na ang mga proyekto ng CPEC ay naitatag batay sa prinsipyo ng win-win cooperation, at nananatili pa ring mababa ang proporsyon ng utang ng economic corridor sa kabuuang utang ng Pakistan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Pakistan para ibayong pasulungin ang konstruksyon ng economic corridor, at pataasin ang kakayahan ng bansa sa pagsasakatuparan ng kaunlarang pangkabuhayan sa sariling lakas.