Sa kanyang pakikipagtagpo kay Anton Vaino, Puno ng Administrasyon ng Pangulo ng Rusya, ipinahayag Oktubre 17, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng daigdig, dapat ibayo pang pahalagahan ang mahusay at matatag na partnership ng Tsina at Rusya, at patuloy na pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Tinukoy ni Xi na ang relasyon ng Tsina at Rusya ay nasa pinakamabuting panahon sa kasaysayan. Aniya, dapat tupdin ang komong palagay, palalimin ang kooperasyon sa enerhiya at inobasyon ng dalawang bansa, pabilisin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative at Eurasian Economic Union, at pahigpitin ang koordinasyon ng dalawang panig sa mga suliraning pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Vaino na ang estratehikong kooperasyon ng Rusya at Tsina ay nagiging priyoridad ng kanyang bansa sa diplomasya. Aniya, nakahanda ang pamahalaang Ruso na aktuwal na tupdin ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa para magbigay ng bagong ambag sa pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Rusya at Tsina.