|
||||||||
|
||
Ipinahayag Oktubre 17, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang tigil na ipinalalabas ng Amerika ang bali-balita para isulong ang sarili nitong layuning pampulitika, at ang mga ito ay hindi tumutugma sa mga moral na gawain.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa sinasabi ng Amerika na pinapalawak di-umano ng Tsina ang sariling impluwnesya sa buong mundo, sa pamamagitan ng "diplomasya sa utang."
Ipinahayag ni Lu na hindi isinasagawa ng Tsina ang anumang paunang kondisyong pampulitika sa pakikipagtulungan sa mga umuunlad na bansa.
Tinukoy niyang umaasa ang mga umuunlad na bansa na bibigyan sila ng tulong ng mga maunlad na bansang kinabibilangan ng Amerika para sa kanilang pambansang kaunlaran. Pero, hindi nila natamo ang nasabing tulong.
Samantala, para sa kanilang layuning pampulitika, pinasasama ng mga maunlad na bansa ang imahe ng mga ibang panig na nagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa. Aniya, imoral ang mga ito.
Aniya, hanggang noong 2017, ang tulong na ibinigay ng Tsina sa Pilipinas ay mas maliit sa 1% ng kabuuang utang ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |