Nag-usap Hunyo 25, 2018 sa Beijing Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Edouard Philippe ng Pransya.
Ipinahayag ni Premyer Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pransya para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng pagtitiwalaan, at pagpapalalim ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.
Binigyang-diin ng Premyer Tsino na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Pransya at mga bansang Europeo para harapin ang mga isyung pandaigdig, na gaya ng pangangalaga sa kaayusang pandaigdig sa balangkas ng Karta ng UN, pagpapasulong ng multilateralismo, pangangalaga sa sistema ng malayang kalakalan, at pagbabago ng klima ng mundo.
Ipinahayag naman ni Edouard Philippe na nakahanda ang Pransya na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, palalimin ang pragmatikong pagtutulungan, pangalagaan ang multilateralismo at sistema ng malayang kalakalan, at palawakin ang pagtutulungan sa industriya, kabuhayan, kalawakan, enerhiya, kultura, edukasyon, at iba pa.