Nagtagpo ngayong araw, Lunes, ika-25 ng Hunyo 2018, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Edouard Philippe ng Pransya.
Binigyan ng kapwa lider ng mataas na pagtasa ang relasyong Sino-Pranses. Nakahanda anila ang dalawang bansa, na pasaganain ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership, at igiit ang paggalang sa isa't isa at kooperasyong may win-win result.
Ipinahayag din ng kapwa panig ang pag-asang, sasamantalahin ang Belt and Road Initiative, para palakasin ang kooperasyong Sino-Pranses at Sino-Europeo.
Salin: Liu Kai