Sa regular na preskon ngayong araw, inulit ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng Taiwan ay may kaugnayan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Bilang pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu sa relasyong Tsino-Amerikano, hiniling ni Hua sa panig Amerikano na tumalima sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong Magkasanib na Komunike ng dalawang bansa, at tumpak na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan.
Ipinahayag ni Hua ang nasabing paninindigan bilang tugon sa tanong hinggil sa pagdaan sa Taiwan Straits ng dalawang bapor na pandigma ng Amerika, nitong Lunes, Oktubre 22.
Salin: Jade