Ipinahayag Oktubre 22, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang batayan ang sinasabi ng panig Amerikano na nakikilalam ang Tsina sa midterm election ng Amerika na nakatakdang idaos sa susunod na Nobyembre.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa joint statement na ipinalabas kamakailan ng Office of the Director of National Intelligence, Justice Department, Federal Bureau of Investigation, at Department of Homeland Security ng Amerika na nakikialam di-umano sa eleksyon ng Amerika ang mga puwersa mula sa Rusya, Tsina, at Iran. Pero, ayon sa ulat ng Bloomberg Agency, wala pang anumang ebidensya ang nasabing akusasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na paulit-ulit nang ipinahayag ng Tsina, na wala itong mithiing makialam sa eleksyon ng Amerika. Binigyang-diin niyang inaasahan ng Tsina na ititigil ng Amerika ang walang batayang pagbatikos at paninirang-puri.