Ipinahayag Oktubre 23, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang Tsinang patuloy na tutupdin ng Hilaga at Timog Korea ang mga narating na kasunduan para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig.
Hinggil dito, ipinahayag kamakailan ng Ministring Pandepensa ng Timog Korea na kinumpirma ng Hilaga at Timog Korea ang komplisyon ng gawain ng pag-aalis sa mga mina sa Joint Security Area. Anito pa, sumang-ayon din ang dalawang panig sa pagsasagawa ng hakbang para iurong ang mga puwestong militar, mga sandatahang lakas, at mga baril bago ika-25 ng Oktubre. Nakatakda ring isagawa ang magkasanib na pagsisiyasat ng dalawang panig sa susunod na dalawang araw, dagdag pa nito. Alinsunod sa kasunduan sa mga suliraning militar ng Panmunjom Declaration, mula unang araw ng Nobyembre, isasarado ng Hilagang Korea ang mga coastal artillery gun na itinalaga sa kanlurang baybayin- dagat, at ititigil din nito ang pagputok sa buffer zones.
Hinggil dito, ipinahayag ni Hua na positibo ang Tsina sa pagsisikap at mga natamong progreso ng Hilaga at Timog Korea sa pagsasakatuparan ng Panmunjom Declaration at September Pyongyang Joint Declaration.