Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Section 301, nagpapakita ng tangka ng pamahalaang Amerikano na pigilin ang lehitimong pag-unlad ng Tsina

(GMT+08:00) 2018-10-26 16:12:25       CRI

Isang ulat na pinamagatang "U.S. Section 301 Actions: Why They are Illegitimate and Misguided" ang inilabas kamakailan ng South Center, organisasyong pampamahalaan na binubuo ng 50 umuunlad na bansa. Mababasa sa nasabing ulat ang kasaysayan ng pang-aabuso ng Amerika sa Section 301 laban sa mga partner na pangkalakalan.

Isang trabahador habang naglilinis ng ibabaw ng mga solar panel, sa isang pagawaan ng SunSpark Technology Inc., sa Riverside, California, Amerika, Abril 3, 2018. [Photo: VCG]

Itinatag ang South Center noong 1995. Bilang nagsasariling think tank na pang-akademiko, layon nitong pasulungin ang pagkakaisa ng South-South at pantay at makatwirang kooperasyon sa pagitan ng North at South.

Ang Section 301 ng U.S. Trade Act of 1974 ay mahalagang tadhanang pambatas ng Amerika. Ito ay suporta sa mga Amerikanong bahay-kalakal ng pagluluwas sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa sa mga bansang lumabag sa mga alituntuning pampamilihan. Pero, noong kalagitnaan ng dekada 80 at unang dako ng dekada 90, naging kasumpa-sumpa ang nasabing seksyon dahil sa pang-aabuso rito ng pamahalaang Amerikano: inilunsad ang imbestigasyon laban sa mga patner na pangkalakalan na gaya ng Hapon, sa kabila ng kawalan ng reklamo mula sa mga kompanyang Amerikano laban sa mga counterpart na dayuhan.

Itinatag ang World Trade Organization (WTO) noong 1995 kung kailan, kailangang tapusing gamitin ang Section 301 investigations. Sumang-ayon dito si Chad Bown, Dalubhasa sa mga isyung pangkalakalan ng Peterson Institute for International Economics. Tinukoy ni Bown na epektibo ang mekanismo ng WTO sa paglutas sa mga alitan, kaya, hindi na kailangan ang mga Section 301 investigation. Gayunpaman, tulad ng saad sa ulat ng South Center, sa halip na pagsasampa ng kaso sa WTO, muling ginamit ng pamahalaang Amerikano ang Section 301 investigations para ipataw ang karagdagang taripa sa mga panindang Tsino, sa kasalukuyang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa.

Si Pangulong Donald Trump ng Amerika habang pumo-postura sa pangyayari ng Pledge to America's Workers, sa White House, Washington, D.C., Amerika, Hulyo 19, 2018. [Photo: Xinhua/Liu Jie]

Sa totoo lang, apektado rin ng mga imbestigasyon sa ilalim ng Section 301 ang iba pang mga pangunahing trade partner ng Amerika na gaya ng Uniyong Europeo (EU) at Hapon. Kaya, inilarawan ni Bown ang paggamit ng pamahalaang Amerikano ng seksyong ito bilang "rogue action." Idinagdag pa ni Bown na sa paggamit ng Section 301, ginagampanan ng pamahalaang Amerikano ang iba't ibang papel na kinabibilangan ng pagpupulis sa paggawa ng mga krimen ng mga pamahalaang dayuhan, taga-usig sa pagharap ng sakdal, hurado sa paghatol sa mga ebidensya, at mahistro sa pagpapataw ng kaparusahan sa mga dayuhan.

Pabrika ng Boeing sa South Carolina, na may empleyadong 7,000. Ang Tsina ang pinakamalaking pamilihan ng Boeing. [Photo: Xinhua]

Tinukoy ng maraming ekonomista na ang trade deficit ng Amerika ay pangunahin na dahil sa mababang deposito at katayuan ng dolyar bilang reserve currency ng daigdig.

Kaya, ipinalalagay ng ulat ng South Center na ang paggamit ng pamahalaaang Amerikano ng Section 3-1 laban sa Tsina ay walang kaugnayan sa kalakalan, at sa halip, ito ay tangka para pigilin ang lehitimong kaunlarang industriyal at teknolohikal ng Tsina.

Salin:Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>