Biyernes, Okbubre 26, 2018, nilagdaan ng Kawanihan ng Edukasyon ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) at Ministri ng Edukasyon ng Myanmar ang memorandum of understanding (MoU) hinggil sa kooperasyon sa edukasyon.
Ipinatalastas ng nasabing kawanihan na mula 2019/2020 academic year, ilulunsad ang Belt and Road Scholarship, para maakit ang mga namumukod na estudyante ng Myanmar na makakuha ng bachelor's degree sa Hong Kong.
Ayon sa nasabing MoU, ang mga hakbangin sa kooperasyong pang-eduksyon ng kapuwa panig ay kinabibilangan ng pagkakaloob ng scholarship sa mga estudyante, pagpapalitan ng karansan, at pagpapalitan ng mga tauhan.
Salin: Vera