Nag-usap kahapon sa Davao sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Sinabi ni Wang na, ang Tsina at Pilipinas ay matagal nang magkaibigan at magkapit-bansa. Aniya pa, palagiang naggagalangan at kumakatig ang dalawang bansa sa isa't isa. Dapat ipagpatuloy ang ganitong tradisyon. Ani Wang, nitong 2 taong nakalipas, naitatag nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte ang matibay na pagtitiwalaan at pagkakaibigan, at sa patnubay nila, nalutas ang mga sigalot sa relasyon ng dalawang bansa, at sumusulong ito sa direksyong angkop sa interes ng kani-kanilang mga mamamayan. Sinabi pa niyang, ang Tsina at Pilipinas ay mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa, at nakahanda ang Tsina na isagawa ang kooperasyon sa Pilipinas sa lahat ng aspekto, habang patuloy at tumpak na kinokontrol ang pagkakaiba, pinapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at nagbibigay ng ambag sa komong kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito. Aniya pa, kasunod ng paglipas ng panahon, malalaman ng mga mamamayang Pilipino na ang Tsina ay ang pinaka-matagal at pinakamapagkakatiwalaang partner ng Pilipinas.
Ipinahayag naman ni Locsin, na ang Pilipinas at Tsina ay tunay na magkatuwang at magkaibigan. Mula noong 2016, nagsimula aniyang bumuti ang relasyon ng dalawang bansa. Tatlong bese aniyang nakabisita si Pangulong Duterte sa Tsina at taos-pusong inaasahan ng panig Pilipino ang histrorikal na pagbisita ni Pangulong Xi sa Pilipinas. Buong lakas na naghahanda ang iba't ibang departamento ng Pilipinas para maigarantiya ang malaking tagumpay ng bisita at makapag-bigay ng bagong puwersa at kasiglahan sa relasyon ng Tsina at Pilipinas, aniya pa.
Ulat: Sissi
Larawan: Sissi, Xinhua, MFA
Pulido: Rhio
Web editor: Liu Kai