Muling hiniling ng Tsina sa panig Amerikano na tumalima sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, at itigil ang anumang pakikipagpalitang opisyal at ugnayang militar sa Taiwan.
Winika ito ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon ngayong araw bilang tugon sa naiulat na paglahok sa huling dako ng kasalukuyang buwan ng pangalawang punong pandepensa ng Taiwan sa Pulong ng Amerika't Taiwan hinggil sa Industriyang Pandepensa. Kalahok sa nasabing pulong ang opisyal mula sa Kagawaran ng Tanggulang-bansa ng Amerika.
Ipinagdiinan ni Lu na kailangang maingat na hawakan ng panig Amerikano ang isyu ng Taiwan para maiwasan ang pagdulot ng pinsala sa relasyong Sino-Amerikano at katatagan ng Taiwan Straits.
Salin: Jade
Pulido: Rhio