Ipinahayag Oktubre 31, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isasabalikat ng Tsina ang tungkulin bilang tagapangulong bansa ng United Nations Security Council (UNSC) sa Nobyembre ng taong ito. Magsisikap aniya ang Tsina, kasama ng mga miyembro ng UNSC para pasulungin ang kalutasang pampulitika ng mga mainit na isyung panrehiyon.
Inilahad ni Lu na nakatakdang idaos ng UNSC ang ilang panel discussion para talakayin ang mga isyung may-kinalaman sa kalagayang panrehiyon, na gaya ng Syria, Libya, Iraq, Lebanon, at iba pa. Aniya, bilang tagapangulong bansa ng UNSC, isinasaalang-alang din ng Tsina ang pagsasagawa ng talakayan hinggil sa pagpapahigpit ng multilateralismo, papel ng UN, at seguridad at kapayapaan sa Aprika. Dagdag niya, kasalukuyang tinatalakay ng Tsina, kasama ng mga miyembro ng UNSC ang plano ng gawain ng UN sa Nobyembre.