Ipinahayag Nobyembre 1, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagsimula kamakailan ang pagpapatakbo ng Tsina sa maritime observation center, meteorological observatory, at national environmental and air quality monitoring station, sa mga isla ng Nansha. Ito aniya'y para sa pagsubaybay sa maritime, hydrological, meteorological condition, at air quality, at pagbibigay ng serbisyo ng tsunami alert, weather forecast, at air quality forecast sa karagatan.
Ani Lu, ang konstruksyong isinasagawa ng Tsina sa mga isla ng Nansha ay naglalayong pabutihin ang serbisyong pansibil, at bigyan ng serbisyong pampubliko ang mga bansa sa rehiyong ito. Ito rin aniya'y solemnang pangako ng Tsina sa nasabing mga bansa at komunidad ng daigdig. Aniya, patuloy na magsisikap ang Tsina para pasulungin ang rehiyonal na seguridad at ginhawa ng mga mamamayan sa South China Sea.