Binuksan ngayong umaga sa Shanghai ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), kung saan kalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI). Sa seremonya ng pagbubukas, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang "Magkakasamang Pagtatag ng Inobatibo, Inklusibo, at Bukas na Kabuhayang Pandaigdig."
Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang mainit na pagtanggap sa mahigit 170 kalahok na bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, at mahigit 3,600 bahay-kalakal. Umaasa aniya siyang masasamantala ng iba't ibang bansa ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina para mapasulong ang pandaigdig na pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan at maisakatuparan ang komong kasaganaan.
Kalahok sa pinakamalaking ekspo ng Tsina ang mahigit 400,000 propesyonal na mamimili mula sa loob at labas ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac