Binuksan ngayong umaga sa Shanghai ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), kung saan kalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), kasama ang mga kinatawan mula sa mahigit 170 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, at mahigit 3,600 bahay-kalakal.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa ilalim ng lumalawak na globalisasyong pandaigdig, kailangang pairalin ng iba't ibang kalahok na bansa ang pagbubukas, konektibidad, multilateralismo, inobasyon at pagiging inklusibo para maisakatuparan ang komong kasaganaan.
Salin: Jade
Pulido: Mac