Binuksan ngayong umaga sa Shanghai ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), kung saan kalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), kasama ang mga kinatawan mula sa mahigit 170 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, at mahigit 3,600 bahay-kalakal.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na upang makalikha ng primera klaseng kapaligirang pangnegosyo, buong higpit na paparusahan ng bansa ang mga lumalapastangan sa legal na interes at karapatan, lalo na sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang isip (IPR) ng mga bahay-kalakal na dayuhan.
Para rito, paiiralin ng Tsina ang mga mekanismo ng pagpaparusa at pagbibigay ng kabayaran, pabibilisin ang pagbalangkas ng batas hinggil sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na dayuhan, isasagawa ang Special Management Measures (Negative List) for the Access of Foreign Investment 2018, at pasusulungin ang kalidad at episyensya sa pagsusuri sa IPR, dagdag pa ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Mac