Ipinahayag Lunes, Nobyembre 5, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang China International Import Expo (CIIE) ay unang pambansang eksibisyon sa daigdig na ang tema ay pag-aangkat. Ito aniya ay isang malaking aktibidad na tagabunsod sa kasaysayan ng pag-unlad ng kalakalang pandaigdig.
Ipinalalagay niyang ang pagtataguyod ng CIIE ay hindi lamang mahalagang desisyon at patakaran ng Tsina sa pagpapasulong sa bagong round ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas, kundi mahalagang hakbangin din ng kusang-loob na pagbubukas ng Tsina ng pamilihan sa daigdig. Nagpapakita ito ng palagiang paninindigan ng Tsina na kumakatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at nagpapasulong sa pagpapaunlad ng malayang kalakalan. Ito ang aktuwal na aksyon ng bansa sa pagpapasulong sa pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at pagkatig sa globalisasyong pangkabuhayan, diin ni Xi.
Salin: Vera