Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng unang China International Import Expo (CIIE) na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, sa Shanghai, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang bansa na palakasin ang determinasyon sa pagpapasulong ng pagbubukas at pagtutulungan, para maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Sinabi ni Xi, na sa kasalukuyang panahon ng pagkakaroon ng malalimang pagbabago sa kabuhayang pandaigdig, lumalala ang proteksyonismo at unilateralismo, nahaharap sa kaligaligan ang globalisasyong pangkabuhayan, multilateralismo, at sistema ng malayang kalakalan, at umiiral ang maraming elementong kawalang-katatagan. Aniya, ang pagbubukas at pagtutulungan ay dapat maging tunguhin bilang magkakasamang pagharap sa mga panganib at hamon.
Binigyang-diin din ni Xi, na ang pagbubukas at pagtutulungan ay mahalagang lakas para maging mas masigla ang pandaigdig na kabuhayan at kalakalan, mahalagang elemento para ibayo pang bumangon ang kabuhayang pandaigdig, at mahalagang pangangailangan para walang humpay na umunlad ang lipunan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai