Sinabi Lunes, Nobyembre 5, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagbubukas ay nagsilbing malinaw na palatandaan ng modernong Tsino.
Ani Xi, nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ang reporma't pagbubukas, iginigiit ng Tsina ang pagpapasulong sa konstruksyon habang nagbubukas sa labas, at naisakatuparan ang dakilang pagbabagong historikal na nagresulta sa isang komprehensibong bukas na bansa, mula sarado't kalahating saradong bansa noon. Walang humpay na pinalawak aniya ng Tsina ang pagbubukas, at pinaunlad ang sarili, bagay na nakapaghatid ng benepisyo sa buong mundo. Hindi ititigil ng Tsina ang hakbang sa pagpapasulong sa pagbubukas sa mas mataas na antas, pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at pagtatatag ng community with a shared future for mankind, saad ni Xi.
Binigyang-diin niyang buong tatag na mananangan ang Tsina sa estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, at sa mula't mula pa'y magsisilbing mahalagang tagapagpasulong sa komong pagbubukas ng buong mundo, pinanggagalingan ng lakas-panulak ng matatag na paglago ng kabuhayang pandaigdig, masiglang pamilihan para sa pagpapalawak ng iba't ibang bansa ng pagkakataong komersyal, at may-ambag sa pandaigdigang pagsasaayos at reporma.
Salin: Vera