Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Papel ng media at think tank, mahalaga sa globalisasyong pangkabuhayan

(GMT+08:00) 2018-11-06 16:55:23       CRI

Binuksan nitong Lunes, Oktubre 5, sa Shanghai ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), kung saan kalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), kasama ang mga kinatawan mula sa mahigit 170 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, at mahigit 3,600 bahay-kalakal.

Bilang isa sa mga pangunahing aktibidad ng idinaraos na CIIE, ginanap nitong Lunes ng hapon ang Hongqiao International Business Media and Think Tank Forum na may temang Pagtatatag ng Bukas na Pandaigdig na Kabuhayan at Komunikasyon. Lumahok sa porum ang mga kinatawan mula sa media at think tank. Ipinalalagay nilang sa ilalim ng globalisasyong pangkabuhayan, titingkad ang papel ng mga media at think tank sa pagtatatag at pangangalaga sa bukas na pandaigdig na kaayusang pangkabuhayan.

Kabilang sa mga kalahok sa porum ay sina Shen Haixiong, Puno ng China Media Group (CMG); John Micklethwait, Editor-in-chief ng Bloomberg News; Dominique de Villepin, dating punong ministro ng Pransya; at Grzegorz Kolodko, dating pangalawang punong ministro at ministro ng pinansya ng Poland.

Sinabi ni Shen Haixiong na sa idinaraos na CIIE, hindi lamang ang mga produkto at serbisyo ang ipinagpapalitan, pagkakataon din ito para sa pagpapalitan ng iba't ibang kultura at sibilisasyon. Ang media naman ay kailangang maglatag ng plataporma para sa pag-uusap at interaksyon ng nasabing mga kultura at sibilisasyon, dagdag ni Shen.

Shen Haixiong, Puno ng China Media Group (CMG)

Ipinalalagay naman ni Micklethwait na sa pagsasakatuparan ng bukas at malayang kabuhayan, gumaganap ang media ng pahalaga nang pahalagang papel. Aktibo ngayon aniya ang Tsina sa pakikipag-ugnayan sa labas. Aniya pa, lumaki nang 300% ang nilakuhang press release ng Bloomberg team sa Tsina.

John Micklethwait, Editor-in-chief ng Bloomberg News

Sa kanya namang talumpati, inilahad ni dating Punong Ministro de Villepin na sa panahon kung saan bumabagal ang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, napakahalaga ng pagpapasulong ng pandaigdig na pragmatikong pagtutulungan. Ginawa niya ang Tsina bilang huwaran sa pagharap ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan. Ang BRI na may aabot sa 60 kasaping bansa ay makakatulong sa paglikha ng malakas at sustenableng pag-unlad sa bukas na pandaigdig na sistema, dagdag pa niya.

Dominique de Villepin, dating punong ministro ng Pransya

Ipinahayag din ni Kolodko ang paniniwala na ang Tsina ay gaganap ng mas mahalagang papel sa koordinasyon sa pangangasiwa at mga patakarang pandaigdig.

Grzegorz Kolodko, dating pangalawang punong ministro at ministro ng pinansya ng Poland

Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CRI/VCG

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>