Isang seremonya ang idinaos kahapon, Miyerkules, ika-18 ng Enero 2017, sa Geneva, Switzerland, kung saan muling hinirang ng World Health Organization (WHO) si First Lady Peng Liyuan ng Tsina, bilang goodwill ambassador for tuberculosis and HIV/AIDS.
Lumahok sa seremonya sina Direktor Heneral Margaret Chan ng WHO, at Executive Director Michel Sidibe ng United Nations Joint Programme on HIV/AIDS (UNAIDS). Ginawaran din nila ng gantimpala si Peng, para sa kanyang namumukod na ambag sa posisyong ito sapul noong 2011.
Salin: Liu Kai