Zhuhai, Lalawigang Guangdong ng Tsina—Binuksan Martes, Nobyembre 6, 2018 ang China International Aviation and Aerospace Exhibition (Airshow China).
Sa kanyang liham na pambati sa eksibisyon, nagpahayag si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mainit na pagtanggap sa mga kalahok na kinatawan, mangangalakal, personahe ng magkakaibang sirkulo ng iba't ibang bansa.
Binigyang-diin ni Xi na sa mula't mula pa'y nagpupunyagi ang Tsina, kasama ng ibang bansa, para mapasulong ang pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya ng abiyasyon at kalawakan. Pagkaraan ng mahigit 20 taong pagsisikap, ang Airshow China ay nagsilbing isa sa mga propesyonal na eksibisyon na may pinakamalaking impuwensiya sa daigdig, sa larangan ng abiyasyon at kalawakan.
Nananalig aniya siyang tiyak na mapapasulong ng kasalukuyang eksibisyon ang pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya sa naturang larangan, mapapahigpit ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at gagawa ng ambag para sa pagtatamasa ng mga mamamayan sa buong mundo ng bunga ng siyensiya't teknolohiya ng abiyasyon at kalawakan.
Salin: Vera